Friday, March 3, 2017

Pinoy Comedy Youtube Series: Lucrecia De Lima Scandal Trailer

Inihahandog ng MW Productions ( aba, instant ) ang YTseryeng magpapabagsak sa rating ng Encantadia at tatapos sa humahabang eksena ni Kardo sa Ang Probinsyano.

Ito ang istorya ng pang-aapi, pang-aalipusta, panlalait, panlilibak, pagtatae! At kung ano ano pang P! 

Tapos na ang maliligayang araw ni De Lima sa senado pero magsisimula pa lang ang storyang tatapos sa tanong ng bayan! Kelan siya mag papa presscon ulit .... na walang suot na scarf?!

 Abangan ang kauna-unahang (assuming!!! ) ang YTSERYEng magtatampok sa lahat ng naging love team sa Pilipinas, mula pa nung panahon ni guy at pip hanggang sa maadik kayo sa ALDUB. Ito ang YTSeryeng puro pangako, kaya wag kayong mag-expect ng marami. Walang budget ang production na ito. Magsasara to kaya mag subscribe na kayo bago pa mangyari yan.

 Kaya, heto na...lalabas na ang tunay na scandal ni LUCRECIA DE LIMA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
 



----
Bigyan ako ng kita:
We Print Shirts http://fb.com/monsterprints2 
Murang Pabahay Sa Cavite http://fb.com/murangpabahaypo 
Beauty Products made in Korea http://fb.com/nworldbyrubycavite

0 comments:

Post a Comment